My last post was a year ago? Damn.
Anyway, I'll be posting more often now because I have more time. Three units left and a thesis to finish next semester then I'll be walking down the aisle with my white dress. I'm not getting married (yet, that is); I'll be graduating next semester *fingers crossed* and graduates traditionally wear white clothes during the ceremony with the signature sablay (it's like a sash, google it). Yes, I'm from the University of the Philippines and we tend to do things differently.
The original plan was to write something about these little green insects that hang out near our light bulb every night. But I won't be writing about that tonight because it requires a very detailed description about how much they pester my photoshopping sessions and movie marathons. Instead, I'll be posting something I wrote on my final exam in Creative Writing two semesters ago. Our teacher asked us to write something called... I forgot... and it's supposed to explain things in a way... I also forgot. I learned a lot from that course but the technical stuff weren't part of it, I guess.
Anyway, here it is, a little essay about Tragedy.
Tama naman. Ang pinaka-magandang genre ng literature ay ang tragedy. Isipin na ninyong twisted ako mag-isip tulad ng karaniwang komento ng mga mambabasa ng aking mga kwento, pero kaya kong idepensa kung bakit mas maganda pa ang trahedya kaysa sa romansa ang tema.
Ang trahedya kasi, tulad marahil ng alam ng nakararami, ang genre ng literature kung saan namamatay sa dulo ang bida o isa sa mga bida ng kwento. Tama, ang karaniwang paningin sa mga trahedya ay ang tinatawag na “unhappy ending”, taliwas marahil sa mga nakasanayan nating kwento na gawa ng Walt Disney Pictures. Iyan kasi ang problema minsan sa mga mambabasa—ang huling pahina lang ng libro madalas ang nakakagawa ng malaking impak sa kanila. Minsan, iyon lang ang naaalala nila. Kaya nga madalas kong naririnig sa mga kwentuhan ng mga kaibigan ko ang mga salitang, “Basta, ang ending no’n e…” tuwing makukuwentuhan sila tungkol sa nabasa nilang libro. Madalas din, hanggang ending lang ng libro ang kaya nilang intindihin.
Hindi ko minamaliit ang kakayahang magbasa ng mga tao. Itinuturo ko lang ang mga madalas kong nao-obserbahan ayon sa limitado kong karanasan sa pakikihalubilo sa mga tao. Karamihan kasi sa kanila ayaw sa mga kwentong namamatay ang mga bida. Dahil paborito ko nga ang trahedyang genre, hindi ko naman maiwasang itanong kung bakit ayaw nila sa paborito ko.
Ang madalas nilang sagot: E kasi hindi dapat ganoon ang nangyari!
E ano ba ang dapat na nangyari? Kumbaga sa kwentong “Romeo and Juliet”, dapat ba hindi na lang sila uminom ng lason at hinayaan na lang nilang maghiwalay sila o ‘di naman kaya ay magtanan na lang? Iniisip ko pa lang na ganoon nga ang nangyari sa “Romeo and Juliet” ay bawas na kaagad and aesthetic value ng kwentong iyon.
Pero bakit ko ba kasi nasabing pinaka-magandang genre ng literature ang tragedy? Simple: Kasi element nito ang kamatayan.
Bago ninyo sabihing emo ako o goth, himayin muna natin kung ano ang kamatayan.
Sa literature kasi o kahit sa totoong buhay, ang kamatayan ay ang pinakamasahol na uri ng paghihiwalay at pinakahuling paraan ng pagsasama. Dahil sa katangian ng kamatayan na iyon, madaling nagagalaw ang emosyon ng mambabasa at bubulusok ito agad sa pinakamataas na lebel. Gamitin natin ulit ang “Romeo and Juliet” ni Shakespeare na halimbawa. Dito namayani ang katangian ng kamatayan na nagbibigay ng imortal na pagsasama. Oo, namatay silang dalawa, pero kung titignan nating mabuti ang emosyon na nadama natin noong namatay sila, hindi naman talaga lungkot ang namayani—pag-ibig.
May kakayahan kasi ang kamatayan na dalhin tayo sa pinakamataas na lebel ng ating emosyon, depende kung papaano namatay ang bida. Namatay siya kasama ang mahal niya—pag-ibig. Napatay siya para sa mahal niya—pag-ibig pa rin. Namatay siya dahil nagtagumpay ang kontra-bida—galit. Namatay siya na hindi natapos ang layunin niya sa kwento—lungkot at pagkabigo. Minsan, paghahalu-haluin pa lahat ng mga iyan hanggang sa hindi mo na alam ang mararamdaman mo. At iyon ang ayaw ng tao sa trahedya.
Karaniwan sa atin kasi nagbabasa para matakasan ang realidad. Ang trahedya naman, kahit fantastic pa ang tema ng kwento, kaya niya pa ring dalhin ka pabalik sa realidad ng mundo mo dahil sa element ng kamatayan. Lahat naman kasi sa atin, kung hindi takot sa kamatayan, takot mamatay.
Isa pa, bida kasi o ‘di naman kaya ay malapit sa bida ang namamatay sa trahedya. Ito ang mga karakter sa kwento na binubuo sa isipan natin para mahalin. Kaya ganoon na lang tayo ka-apektado kapag namamatay sila. Ayaw natin sa ideya na namamatay ang mga mahal natin. Sino bang gusto, hindi ba?
Minsan naman, hindi kamatayan na pisikal ng bida ang ayaw natin. Kamatayan naman ng ideya natin sa bida. Kaya kasing manipulahin ng manunulat lahat ng bagay sa kwento. Kaya niyang itago ang lahat tapos isang bagkasan na ihahain sa iyo.
Ang trahedya kasi, kaya tayong ibalik sa katotohanan na hindi lahat ng inaakala natin ay ang siyang mangyayari. Ibinubukas nito ang isipan natin na ang kamatayan ay walang pinipiling kahit sino at kahit kalian. Tuwing nagbabasa tayo, gusto nating takasan ang mga katotohanang iyon. At dahil hindi iyon ang nangyayari sa trahedya, karaniwan sa mga mambabasa ay ayaw sa trahedya.
Pero sa isang manunulat, wala nang mas rewarding pa kundi ang makita mong nagkaroon ng epekto ang isinulat mo sa mambabasa. Sa isang mambabasang bukas ang isip, wala nang mas gaganda pa sa isang literaturang kayang ipadama ang isang bagay na babaguhin ang pananaw mo sa buhay. At iyan mismo ang ginagawa ng trahedya.
Ipapadama nito sa iyo kung gaano mo tini-take for granted ang mga taong mahal mo. Pinapadama niya sa iyo kung gaano kaiksi ang buhay at kung gaano mo sinasayang ang mga natitira mong segundo.
Kung mambabasa ka na mayroong malawak na pang-unawa, tatanggapin mo ang katangian ng trahedya na ito bilang isang paraan para mapabuti mo ang pagkatao mo at pananatili mo sa mundong ito. Pero kung isa kang mambabasa na sarado ang isip, ang trahedyang napakagandang pagbuhos ng emosyon sa isang sulatin ay itatapon mo lang at sisisihin mo pa dahil pinapangit niya ang araw mo. #
I got a grade of 1.25 for this essay. And when my professor handed me my paper, he said he could have given me a flat 1 if gave it a title which totally left my brain during the exam. I came in late and I thought I was running out of time.. I told him that I was not aware that we were supposed to give it a title. He said, "Essay 'yan, malamang may title dapat." So I happily took my 1.25. For a rushed paper, I think I did pretty well.

0 Response to "Tragedy"
Post a Comment